Wanted: 22 posisyon sa space agency  

Wanted: 22 posisyon sa space agency  

November 21, 2020 @ 4:45 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Naghahanap ang Philippine Space Agency ng mga bagong empleyado para sa 22 posisyon.

Kabilang sa kanilang mga kailangan ang legal assistants, administrative at human resource management officers, information officers, accountant, lawyer, budget officer, cashier, records officer at senior science research specialist.

Lahat ng mga interesado ay maaaring mag-apply sa pamamagitan ng careers@philsa.gov.ph hanggang Nobyembre 29, 2020.

Kailangan lang magsumite ng letter of intent na naka-address sa chief ng ahensya na si Joel Joseph Marciano, Jr., updated personal data sheet, scholastic records, certificate of eligibility/license/rating, training certificate, at employment certificates.

Matatandaan noong Agosto 2019, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Space Act na nagtatatag ng Philippine Space Agency na binuo para mga pagbabago sa space science and technology na gagamitin para sa national security, hazard management, climate studies, space research and development, space industry capacity building, space education and awareness, at international cooperation. RNT 


  •  
  •  
  •  

Loading...