Wanted Aussie nalambat sa Bulacan manhunt ops

Wanted Aussie nalambat sa Bulacan manhunt ops

January 11, 2023 @ 6:51 PM 3 weeks ago


BULACAN – Arestado ang isang 46 anyos na Australian national na umanoy wanted sa ikinasang manhunt operation ng pulisya sa bayan ng Guiguinto.

Kinilala ni Bulacan Police director PCol. Relly Arnedo ang akusadong wanted na si Ricky Partington, tubong Cessnok, Australia at residente ng Brgy. Sta. Rita.

Ayon sa report ni Guiguinto chief of pollice, PLt. Col . Jowilouie Bilaro, naaresto ang akusado bandang alas-2 ng hapon nitong Enero 10 sa Brgy. Poblacion, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong R.A 11313 na inisyu ni Hon. Flordeliza Mallorca Silao , Presiding Judge of MTC Branch 59, Mandaluyong City noong Hunyo 28, 2022 at may inirekomendang piyansang P2,000.

Sinasabing agad isinilbi ang warrant sa dayuhang wanted nang matanggap ito ng pulisya nitong Enero 10, taong kasalukuyan.

Nalamang dinala ang akusado sa Ospital ng Guiguinto para sa medical at physical examination hanggang sa tuluyang ikinulong sa naturang istasyon para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. Dick Mirasol III