Wanted na bebot, dinampot sa Navotas

Wanted na bebot, dinampot sa Navotas

November 24, 2022 @ 12:34 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Isinelda ang isang babaeng wanted matapos maaresto sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong akisado bilang si Arriane Tupaz Topia, 31, ng No. 4, Blk 1, Bagong Silang, San Jose. Navotas City.

Ayon kay Col. Ollaging, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Sub-Station 2 ng Navotas police ng joint manhunt operation in relation to SAFE NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa kanya bahay dakong ala-1:15 ng hapon.

Ang akusado ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong November 15, 2022 ni Judge Maya Joy Panaga Gutyab-Camposanto ng MeTC Branch 120, Malabon City para sa kasong Alarms and Scandal. Boysan Buenaventura