Wanted na buwaya sa Bulacan, nahuli na

Wanted na buwaya sa Bulacan, nahuli na

July 18, 2022 @ 10:25 AM 3 weeks ago


Bulacan-Natagpuan na ng mga awtoridad sa loob ng 20 araw ang buwaya na namataan kamakailan ng mga residente sa mga water lily sa ilog ng Guiguinto,Bulacan.

Ayon kay Guiguinto Mayor Agay Cruz, bandang 2:00 ng hapon nitong Linggo Hulyo 17 natagpuan ng mga awtoridad ang buwaya sa Tabon, Brgy. Malis.

Aniya,papunta na ang mga taga-Biodiversity Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources upang tiyaking ligtas ang buwaya.

Pinasalamatan ni Cruz ang Oplan Buwaya rescue team ng Pamahalaang bayan ng Guiguinto na naglagay ng mga trap para mahuli ito at ang Brgy.Malis na masipag na nagbantay hanggang sa mahuli ang buwaya.

Nalamang natuklasan ito noong Hunyo 27 ng mga awtoridad matapos makunan ng larawan ng residente ang ulo ng buwaya sa ilalim ng mga water lily sa ilog sa lugar. Dick Mirasol III