Wanted na murder suspect kumuha ng police clearance, tiklo!

Wanted na murder suspect kumuha ng police clearance, tiklo!

October 23, 2022 @ 1:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Arestado ang isang wanted sa murder habang nag-aapply para sa police clearance sa Quezon City Police District (QCPD) headquarters nitong Biyernes.

Sinabi ni Lt. Col. Jun Alvarez, chief ng police clearance office, na si Jorge Estayan, 57, residente ng Sanchez St., Bungad SFDM, Quezon City, ay kumukuha ng police clearance nang lumabas ang pangalan sa PNP E-Warrant System bandang alas-3:30 ng hapon nitong Biyernes.

May warrant of arrest si Estayan sa pagpatay at walang inirekomendang piyansa.

Samantala, walo pang wanted persons ang naaresto ng iba pang QCPD units.

Kinilala sila na si Dela Cruz Dizon, 35, wanted sa theft; Sharon Perucho, 44, sa falsification of public documents; John Orosco Vargas, 47, sa paglabag sa R.A. 9262 or the Violence Against Women and Their Children Act; Russel Deniña Villareal, 23, sa sexual abuse sa ilalim ng Sec. 5 (b) of R.A. 7610; Faderico Dominguez, 26, sa robbery; Darwin Amoquez delos Santos, 44, sa reckless imprudence resulting in damage to property; Ronaldo Onad Garcia, 53, sa attempted homicide; at Ronie Enriquez, 54, sa three counts of rape.

Ipaaalam sa courts of origin ang pagkakaaresto sa mga akusado.

Pinuri naman ni QCPD director Brig. Gen. Nicolas D. Torre III ang mga pulis sa pagkakaaresto sa mga suspek.

“Makakaasa ang ating mga kababayan na mas lalong paiigtingin ng aming tanggapan ang aming operasyon kontra kriminalidad,” aniya pa. RNT/SA