Wanted person arestado sa Malabon

Wanted person arestado sa Malabon

May 6, 2022 @ 3:26 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Isinelda ang isang wanted person matapos matimbog sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Northern Police District Special Operation Unit (NPD-DSOU) chief PLTCOL Jay Dimaandal ang naarestong akusado bilang si Christian Conviene alyas “Limbot, 21 ng Nadurata, Caloocan City.

Ayon kay PSSg Paul Colasito, nakatanggap ang mga operatiba ng DSOU na naispatan ang akusado sa Brgy. Catmon na naging dahilan upang magdispatch si Dimaandal ng kanyang mga tauhan sa naturang lugar upang alamin kung totoo ang ulat.

Nang positibo ang report, agad nagsagawa ang mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni P/Capt. Melito Pabon, PMsg Eleazer aul Lazaro at Pcpl Michael Arceno, kasama ang WCPD-NPD sa pangunguna ni P/Maj. Vicky Tamayo at Malabon Police Sub Station 4 sa pangunguna ni PLT Edgardo Magnaye ng intelligence driven operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-9:20 ng madaling umaga sa kahabaan ng Gov. Pacual, Barangay Catmon Malabon City.

Ani Pabon, inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong February 3, 2020 ni Hon. Judge Cecilia B. Paralaig ng Branch 9 Family Court, Navotas City at may inirekomendang piyansa na P80,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Boysan Buenaventura