Wanted person, kalaboso sa baril sa Navotas

Wanted person, kalaboso sa baril sa Navotas

July 16, 2022 @ 10:42 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Isinelda ang isang lalaki na wanted sa kasong tresspassing matapos maaresto sa manhunt operation at makuhanan pa ng isang baril sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Ricky Manlapaz, 30 ng 243 M. Ablola St., Brgy., Tangos South, ng lungsod.

Nakatanggap ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Navotas police ng impormasyon sa pamamagitan ng TXT JRT n sangkot umano sa pagpapakalat ng ilegal na droga ang akusado madalas nakikita sa Brgu., Bagong Bayan North kaya nagsagawa sila ng surveillance operation sa naturang lugar.

Nang positibo ang ulat, kaagad nagsagawa ng joint manhunt operation ang mga operatiba ng SIS sa pangunguna ni PCAPT Melito Pabon, kasama ang mga tauhan ng WSS na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-11:30 ng gabi sa kahabaan ng C4 Bridge, Brgy., Bagong Bayan North.

Ani Pabon, ang akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong July 2, 2020 ni Judge Camilo A Oliva ng First Municipal Circuit Trail Court ng Aroroy-Baleno, Aroroy Masbate para sa kasong Tresspassing.

Nang kapkapan, narekober ng mga pulis kay Manlapaz ang isang homemade gun na may isang bala ng caliber 38 kaya sasampahan siya ng pulisya ng kasong paglabag sa RA 10591. Boysan Buenaventura