Wanted person nalambat sa Navotas

Wanted person nalambat sa Navotas

May 7, 2022 @ 12:55 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kalaboso ang isang wanted person matapos madakma sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Ezekiel Redilla, 42 ng Tulay 1, Tabing Dagat, Brgy. Daang Hari.

Ayon kay Col. Ollaging, nakatanggap ang mga tauhan ng Navotas Police Warrant and Subpoena Section (WSS) ng impormasyon na nakita ang akusado sa kanilang lugar.

Agad bumuo ng team ang mga tauhan ng WSS saka nagsagawa ng manhunt operation, kasama ang Navotas Police Sub-Station 1 na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-4:15 ng hapon sa kanilang bahay.

Hindi naman pumalag ang akusado nang isilbi sa kanya ng mga pulis ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Carlos M. Flores ng Regional Trial Court (RTC) Branch 73, Malabon City para sa kasong paglabag sa Sec. 10 of RA 7610.

Ani investigator-on-case PSSg Renato M Panganiban Jr, kasalukuyang nasa kustodiya ng Navotas Police ang arestadong akusado habang hinihintay ang issuance ng Commitment Order. Boysan Buenaventura