Wanted poster ng suspek sa Lapid slay inilabas ng PNP

Wanted poster ng suspek sa Lapid slay inilabas ng PNP

October 7, 2022 @ 8:55 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naglabas ang kapulisan ngayong Biyernes ng litrato at wanted poster ng sinasabing suspek na pumatay sa brodkaster na si Percival Mabasa o mas kilala bilang Pecy Lapid.

Itinaas din sa P1,500,000 milyon na ang inaalok na pabuya para sa sinomang makapagbibigay impormasyon sa kinaroroonan ng suspek na hindi pa rin nakikilala.

Kuha ni CESAR MORALES

Matatandaang una nang nag-alok si Interior Sec. Benhur Abalos ng P500,000 mula sa sarili niyang bulsa para sa pabuya kapalit ng impormasyon sa kinaroroonan ng killer ni Lapid.

Ang pabuya ay dinagdagan naman ng iba pang mga kaibigan ni Lapid at iba pang ‘concerned citizen’ kaya umakyat ito sa isa’t kalahating milyon, base sa pagkumpirma ni National Capital Region Police chief PBGen. Jonnel Estomo.

Matatandaan na nitong Lunes ay tinambangan at pinagbabaril hanggang sa mapatay si Lapid habang papauwi na sa kanyang bahay.

Sa sinomang makapagbibigay impormasyon sa lalaking nasa wanted poster maaaring makipag-ugnayan sa Las Pinas Police sa mga numerong: 0947-462-2859, 09985987928, 8808-7935. RNT