Wanted sa attempted homicide, nalambat sa Navotas

Wanted sa attempted homicide, nalambat sa Navotas

January 4, 2023 @ 2:20 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Isinelda ang isang mister na wanted sa kasong attempted homicide matapos maaresto ng pulisya sa manhunt operation in relation to S.A.F.E. sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Dominador Dormiendo, 43 ng Blk 36 Lot 10 phase 1A, NBBS Kaunlaran, Navotas City.

Ayon kay Col. Ollaging, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons ay nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas police ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Dormiendo dakong alas-1:10 ng hapon sa kanyang bahay.

Si Dormiendo ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 169, Malabon City noong Disyembre 11, 2002 para sa kasong Attempted Homicide. Boysan Buenaventura