Wanted sa attempted murder nabitag ng NPD sa Caloocan

Wanted sa attempted murder nabitag ng NPD sa Caloocan

August 31, 2022 @ 12:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Isinelda ang isang e-trike driver na wanted sa kasong attempted murder matapos masakote ng pulisya sa isinagawang manhunto sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PLTCOL Rommel Labalan, hepe ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) ang naarestong akusado bilang si Ronald Bautista alyas “Onad”, 39 ng 34 Malaya St., Brgy 28, ng lungsod.

Sa report ni PLt Col. Labalan kay NPD acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr, nakatanggap ang mga operatiba ng DSOU ng impormasyon na naispatan ang presensya ng akusado sa Maypajo Brgy., 35, Caloocan City kaya nagsagawa sila ng validation sa naturang lugar.

Nang positibo ang ulat, bumuo ng team ang DSOU sa pangunguna ni P/Capt. Melito Pabon, PMSg Harold Polistico, PCpl Arby John Figueroa, PCpl Michael Arceno at PCpl Raymond Afable, kasama ang CIDG-DSOU, 9th MFC RMFB, NCRPO at RIU NCR- SDIT saka nagsagawa ng joint intelligence driven operation in relation to S.A.F.E NCRPO na nagresulta sa akusado dakong alas-9:20 ng gabi sa San Mateo St., Maypajo, Brgy. 35.

Ayon kay PCpl Mark Jhovie Sales, si Bautista ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong November 9, 2006 ni Presiding Judge Eleanor R. Kwong ng Regional Trial Court (RTC) Branch 128 ng Caloocan City para sa kasong Attempted Murder at may i-nirekomendang piyansa na P120,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Boysan Buenaventura