Wanted sa carnapping, droga, nakaw tiklo!

Wanted sa carnapping, droga, nakaw tiklo!

June 21, 2022 @ 5:41 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Tiklo ang 19-anyos na wanted sa iba’t ibang kaso ng pagnanakaw sa mga tauhan ng Marikina PNP sa kanyang hangout sa La Paz, Tarlac.

Sa ulat na tinanggap ni P/Col. Gerson Bisayas, Officer In Charge (OIC) ng Marikina PNP, kinilala ang nadakip na si Joshtin Pollarca y Bernal, 19 anyos alyas “Tulok” nakatira sa Blk-6, Brgy., Cut-cut ll, La Paz, Tarlac.

Inaresto ng magkakasanib na puwersa ng Intel operatives ng Marikina Police sa katauhan ni P/Capt. Ramiel Soriano at Plt. Jon-Jon Jano, dakong alas-4:15 ng hapon nitong Hunyo 18, 2022 ang suspek sa Blk-6,Brgy., Cut-cut, Tarlac.

Gamit ng mga operatiba ang ilang warrant of arrest laban sa suspek na inilabas nina Hon. Jennifer A. Santos-De Lumen, Presiding Judge Branch-18,Family Court Cainta Rizal sa kasong (Qualified Theft), Anti-Carnapping Act of 2016 ni Hon. Amma Zuta at Bernardo Abuda-Caballegan, Presiding Judge Branch-17 Family Court Antipolo City sa kasong CC# 22-78297,22-78297 (RA9165 section 11); Hon. Maria Cristina D.R Rosario-Osoteo, Assisting Judge, Family Court Branch-18 Cainta Rizal sa kasong paglabag sa RA 10883, new anti-carnapping act of 2016.

Nauna rito, bago nadakip ang suspek nagsagawa ang Marikina Intel operatives ng series of cyber patrolling o surveillance ng ilang linggo para i-locate ang kinaroroonan ng akusado.

Nakapiit na ang akusado sa detention cell ng pulisya matapos na isalang sa medical examination sa Amang Rodriguez Medical Center. Rene Tubongbanua