Wanted sa kasong pangmomolestiya, nalambat

Wanted sa kasong pangmomolestiya, nalambat

November 13, 2022 @ 1:02 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Himas-rehas ang isang lalaki na wanted sa kasong pangmomolestiya sa Navotas City matapos mabitag ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Bulacan.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Sonny Dela Cruz, 45 ng . 155 E. Mariano St., Brgy. Tangos South, Navotas City.

Ayon kay Col. Ollaging, nakatanggap ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas police ng impormasyon na naispatan ang presensya ng akusado sa isang clinic sa Bulacan.

Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng WSS at Sub-Station 2 ng Navotas police ng manhunt operation in relation to SAFE NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong ala-1:30 ng hapon sa loob ng Jo Reformation Center Clinic sa No. 461 Libis na Maliit, Sulucan, Angat, Bulacan.

Si Dela Cruz ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong February 10, 2022 ni Judge Cecilia B Parallag ng Family Court Branch 9, Navotas City para sa kasong Acts of Lasciviousness. Boysan Buenaventura