Wanted sa kasong rape, tiklo sa Valenzuela

Wanted sa kasong rape, tiklo sa Valenzuela

October 17, 2022 @ 2:40 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasakote ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation ang isang 73-anyos na isa sa mga listed most wanted persons sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela Police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Danilo Raymundo ng Brgy. Marulas.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:55 ng umaga nang maaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police sa pangunguna ni PLT Robin Santos sa isinagawang manghunt operation ang akusado sa kanyang bahay.

Si Raymundo sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong ng Oktubre 13, 2022 ng Valenzuela City’s Regional Trial Court Branch 270 para sa kasong statutory rape at dalawang bilang ng lascivious conduct under section 5(b) of the Republic Act 7610, the Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

May inirekomenda ang korte na piyansang P180,000 bawat bilang para sa lascivious conduct habang wala namang inirekomenda na piyansa sa statutory rape. R.A Marquez