Wanted sa murder tiklo nang inguso

Wanted sa murder tiklo nang inguso

May 4, 2022 @ 12:52 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Arestado ang ika-10 sa most wanted persons ng Region 2 matapos inguso sa Valenzuela City.

Swak sa hoyo si Leonardo Cariga y Caranguian, alyas Angel Cariga, 43, factory worker, ng Brgy. Mungo, Tuao, Cagayan.

Nabatid na may nag-tip sa mga pulis ukol sa kinaroroonan ni Cariga at nang magpositibo ang impormasyon ay nagsagawa ng manhunt operation ang mga alagad ng batas kung saan nasukol ang suspek nitong Martes, alas-10:20 ng umaga sa Benmarie Compound, 21st  St., Barangay Parada, Valenzuela City.

Dinakip si Cariga sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 11, Tuao, Cagayan para sa kasong Murder na may petsang Hulyo 3,  2018 at walang inirekmomendang pyansa. Merly Iral