Pandacan, Manila – Binitbit ng mga tauhan ng Manila Police District-Pandacan Police Station 10 ng Intelligence Unit ang isang wanted na kitchen staff dahil sa kasong robbery sa Barangay Buhay na Tubig, sa Pandacan, Manila, iniulat ng pulisya.
Si Mark Joven Niembra, 23 anyos ng nasabing lugar ay pampitong most wanted sa nasasakupang presinto.
Batay sa ulat na isinumiti ni P/Sr.Insp. Pidencio Saballo Jr., kay P/Supt. Erwin Dayag, Station Commander, bitbit nila ang arrest warrant na inisyu ni Hon. Judge Noli C. Diaz, ng Regional Trial Court , Br.-39 sa Manila, dahil sa naturang kaso.
Napag-alaman sa record ng pulisya, si Niembra ay una na umanong nakapagpiyansa, subalit hindi na ito nagpakita pa sa korte, kaya lumilitaw na Bench warrant ang naging kaso nito na walang inilaang pansamantalang paglaya. (Rene Crisostomo)