Wanted sa Valenzuela, binitbit sa selda

Wanted sa Valenzuela, binitbit sa selda

July 8, 2021 @ 2:32 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Makalipas ang mahigit walong taon pagtatago, naaresto na nang mga awtoridad ang isang wanted person sa kasong Homicide sa Valenzuela City.

Kinilala ni Northern PoliceDistrict Special Operation Unit (DSOU) head PLTCOL Jay Dinamaandal ang naarestong suspek na si Carmelito Cañada Jr, 27 ng 600 Valdez Compound, Paso De Blas.

Ayon kay Dimaandal, dakong alas-10:20 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni PLT Melito Pabon ng manhunt operation kontra sa wanted person na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa kanyang bahay.

Si Cañada ay inaresto sa bisa ng Alias Order of arrest para sa kasong Homicide na inisyu ni Hon. Nancy Rivas Palmores Presiding Judge ng RTC Branch 172, Valenzuela City na may petsang October 12, 2012 na may inirekomendang piyansa P40,000.

Pinuri ni NPD Director PBGEN Jose Hidalgo Jr, ang mga operatiba ng NPD-DSOU dahil sa matagumpay na operation kontra wanted persons. Boysan Buenaventura