Wanted, timbog sa Maynila

Wanted, timbog sa Maynila

June 22, 2018 @ 2:10 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki na wanted sa kasong robbery sa Pandacan, Maynila.

Bitbit ang warrant of arrest,  naaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Beata PCP, Pandacan,  Police Station ng MPD-PS10 dakong alas-9:30.

Kinilala ang suspek na si Romulo Balen, 48, may-asawa, nakatira sa 2584 F. Balagtas St., Pandaca, Maynila.

Inisyu ni  Hon. Theresa P. Soriasco , presiding Judge ng Manila Regional Trial Court (RTC)  Branch 27 ang nasabing arrest warrant laban sa suspek.

Inatasan naman ng korte na magpiyansa ng isang daang libong piso (P100,000.00) ang suspek para sa pansamantalang paglaya nito. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)