War Memorial, patuloy na palalakasin ng DOT para makahikayat ng turismo ng bansa

War Memorial, patuloy na palalakasin ng DOT para makahikayat ng turismo ng bansa

April 10, 2019 @ 2:49 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Palalakasin ng Department of Tourism (DOT) ang mga Memorial Marker na ala-ala ng mapapait na sinapit ng mga Pilipino noong panahon ng ikalawang digmaan.

Ayon kay DOT Secretary Berna Romulo Puyat sa Kapihan sa Manila Bay, ito ay upang makahikayat ng marami pang turista sa bansa.

Sinabi ni Puyat na mahalagang ipaalala sa mga kabataan ngayon ang ginawang kabayanihan ng mga sundalong Pilipino noong panahon ng World War II.

Si Puyat ay naging guest speaker sa isinagawang Corregidor Foundation na na-develop ng DOT kung saan meron ng Master Plan para rito upang mahikayat ang mga turista na magtungo sa Pilipinas.

Naniniwala ang kalihim na ang War Memorial dito sa ating bansa ay tiyak maghihikayat ng dagsang turista hindi lang mga Hapon at Amerikano kundi ang mga bagong sibol ng mga kabataan na nagnanais na mamulat sa lagim na dinulot ng mapait digmaan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)