‘War of graves’, itinayo sa Ormoc Bay

‘War of graves’, itinayo sa Ormoc Bay

November 30, 2022 @ 1:00 PM 2 months ago


ORMOC CITY, Leyte- Itinayo ng lokal na pamahalaan ng Ormoc City ang ‘war of graves’ sa harap ng baybaying dagat sa Ormoc City matapos matagpuan ang mga barkong pandigma na ginamit ng Estados Unidos noong World War II– ang USS Cooper at USS Ward.

Ayon kay Leyte 4th District Representative Richard Gomez, namangha siya sa kanyang nasaksihan matapos mag-explore sa kailaliman ng dagat si Robert Kraft, isang American deep-sea explorer, gamit ang underwater expedition ng research vessel na R/V Petrel.

Sa lalim na 620 hanggang 650 talampakan, nadiskubre sa mga pinalubog na barko ang 5 anti-aircraft gun, torpedo launcher, port side depth at charge launcher na ang mga laman ay gun powder at maaaring sumabog kapag nasagi ito.

Nasa 70 taon na ang nakalipas ng maganap ang Battle of Ormoc Bay ng mga Amerikano at ng mga Hapon.

Sa kabila ng pagkapanalo ng mga Amerikano, pinalubog naman ng mga Hapon ang kanilang apat sa mga barkong pandigma kabilang ang USS Cooper at USS Ward.

Sinabi naman ni Dr. Rolando Borrinaga, local history na ang itinayong ‘war of grave’ ay bilang tanda ng pakikipaglaban para sa lipunan. Mary Anne Sapico