War on drugs, pagliligtas sa mga tao sa drug crisis – Dela Rosa

War on drugs, pagliligtas sa mga tao sa drug crisis – Dela Rosa

January 29, 2023 @ 8:39 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kasunod ng pagpapatuloy ng imbestigasyon ng
International Criminal Court (ICC) sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, hindi naman itinatanggi ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na walang pag-abusong naganap, ngunit iginiit na para lamang ito sa kaligtasan ng sangkatauhan sa krisis sa droga.

Maliban dito, sinabi rin ni Dela Rosa nitong Sabado, Enero 28 na walang katotohanan ang mga akusasyon laban sa dating Pangulo.

“Sasabihin ko sa kanila lahat ng akusasyon na nasa table niyo na dinala ng kalaban ni Pangulong Duterte ay puro walang katotohanan, ā€˜yun ang sasabihin ko sa kanila. Hindi ko dinedeny na may pang-aabuso pero dapat wag nyong ilump lahat ng kaso na yan as EJK (extrajudicial killing),ā€ anang Senador.

ā€œIsa isahin ang kaso, papanagutin ang may kasalanan. Kawawa naman ang mga pulis na namatay, nasugatan. Ang daming pamilyang naulila. Ginawa namin yun to save humanity from crisis of drugs,ā€ dagdag niya.

Ani Dela Rosa, umiiral ang justice system sa bansa kung kaya’t hindi na dapat makialam pa ang ICC dito.

Matatandaan na nauna nang kinwestyon ng Senador ang pagsusulong ng ICC sa drug war probe sabay sabing handa nitong dipensahan ang sarili anumang oras.

ā€œMatagal naman na akong ginigiba, nung pa-Philippine National Police (PNP) chief ako hanggang tumakbo akong senador same issue pa rin. Pero alam ng sambayanan ang ginagawa ko kaya pinanalo nila ako. Ganoon ba ako abusado, siraulo, mamatay tao? Hindi naman, kaya nanalo ako. I don’t think makakaapekto ā€˜yan,ā€ ani Dela Rosa.

Samantala, sinabi naman ni Senador Aquilino Pimentel III na dapat palakasin ang justice system sa bansa may ICC probe man o wala.

ā€œDapat ang judicial system natin parati natin tutukan hindi lang sa ICC, importante ang ating judicial system,ā€ ani Pimentel.

ā€œHindi aasenso pag mabagal masyado ang justice system, mabagal, unpredictable pabago bago ang ruling, dapat may image na rule of law. Whether or not merong ICC kailangan tutukan natin ang ating justice system palakasin ito,ā€ dagdag pa niya.

Nitong Huwebes, Enero 26, pinayagan na ng ICC ang pagbubukas ng imbestigasyon sa anti-drugs campaign ng administrasyong Duterte. RNT/JGC