War on drugs sa PBBM admin dapat ituloy – Imee

War on drugs sa PBBM admin dapat ituloy – Imee

October 14, 2022 @ 4:43 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nais ni Senador Imee Marcos na ituloy ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang war on drugs na sinimulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ni Imee nitong Biyernes, Oktubre 14 nang tanungin sa kanyang opinyon sa pagsasailalim sa mandatory drug test ng mga aktor.

“Palaging problema ‘yang mandatory drug testing e kasi syempre may karapatang pantao ka rin, may privacy rin, ‘yung health records mo hindi naman kailangan ilabas. So ‘yung mandatory na ‘yan nagka-issue na ‘yan maski sa government employees malaking gulo na ‘yan e,” ani Imee sa Pandesal Forum sa Quezon City.

“Pero, of course talagang dapat ‘yung drug war tutukan pa rin. Dapat walang humpay tayo sa paghahabol ng mga drug lord, ng mga drug syndicate (But the drug war should continue. There should be no let up in running after drug lords, drug syndicates). I think we shouldn’t stop and we should pursue that to its bitter end,” dagdag niya.

Nauna dito, hiniling umano ni Duterte kay Marcos na ipagpatuloy ang giyera kontra illegal na droga sa sarili nitong paraan.

“Before the elections, sinasabi niya itong mga bagay na ito … iyong kanyang priority ay anti-drug,” pagbabahagi ng Senadora.

“He was very assertive about it. Sabi niya, ‘ituloy mo. Do it your own way, palitan mo, pero huwag mo iiwanan dahil kawawa ang kabataan natin. Masisira ang buhay nila.’ And I fully appreciate what he said because our drug problem remains,” dagdag pa niya.

Matatandaan nitong Hulyo ay sinabi naman ni Department of Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. na magiging maigting pa rin ang drug war katulad ng sa nagdaang administrasyon. RNT/JGC