Warden ng Caloocan City Jail sibak sa riot sa piitan

Warden ng Caloocan City Jail sibak sa riot sa piitan

January 11, 2022 @ 11:19 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Sinibak sa pwesto ang warden ng Caloocan City Jail na si Supt. Neil Subibi kasunod ng riot sa nasabing piitan na nagresulta sa pagkamatay ng anim na persons deprived of liberty.

Unang napaulat na apat ang namatay sa nasabing kaguluhan Lunes ng hapon habang 20 naman ang sugatan.

Patay sa grupo ng Commando sina Arturo Biyasa at Hans Omar, habang nalagas sa kampo ng mga Sputnik sina Sherwin Perez at John Patrick Chico.

Kasalukuyan pang inaaalam ang pangalan ng dalawa pang bagong namatay ang kung saang kampo sila nagmula.

Sumiklab ang karahasan sa pagitan ng mga miyembre ng magkalabang gangs na naglalaro umano ng cara y cruz.

Nagbibiruan lamang umano noong una ang mga preso nang magkapikunan hanggang magkampihan at magka-riot.

Sinuri naman ng mga awtoridad ang mga selda upang matiyak na wala nang armas ang mga nakapiit. Merly Iral