WARRANT OF ARREST LABAN KAY DRA. CASTRO

WARRANT OF ARREST LABAN KAY DRA. CASTRO

July 13, 2022 @ 6:09 PM 1 month ago


MULING naglabas ng warrant of arrest ang Branch 7 ng Regional Trial Court ng Bayugan City, Agusan Del Sur laban kay Dr. Maria Natividad Castro noong June 16, 2022.
Ito ay matapos bigyang timbang ang Motion for Reconsideration na isinumite ng prosecution team sa ilalim ng pamumuno ni Region 13 Regional Prosecutor John Magdaraog sa Criminal Case No. 6527 na Kidnapping and Serious Illegal Detention charges laban sa ilang miyembro ng CPP-NPA-NDF kabilang si Dra. Castro.
Nangangahulugang may matibay na kaso ang pamahalaan laban kay doktora at mga kasama na sana naman ay rumespeto sa itinakda ng Korte laban sa kanila.
Noong una kasi, pinanindigan nina doktora at ng mga kasama niya sa kaso na wala silang mga kasalanan. Salamat na lamang at naipakitang muli ng prosekusyon sa Motion for Reconsideration na talagang may kaugnayan at kasalanan sina Doktora Castro at mga kasama sa kaso.
Lahat naman ng karapatan at legal na pamamaraan ay ibinibigay ng Korte kina Doktora Castro at mga kasama para ipagtanggol ang kanilang mga sarili, dahil nasasaad ito sa ating Saligang Batas.
Kaya nga ang ating panawagan sa doktora at  kanyang mga kasama ay igalang ang desisyon ng Korte at gamitin na lamang ang lahat ng kanilang karapatan para ipagtanggol ang kanilang mga sarili sa harap ng batas.
Huwag nilang ibuhos ang kanilang panahon at kakayahan sa aking kaibigang si NTF-ELCAC Spokesperson Lorraine Marie Badoy na wala ginawa kundi tuparin ang kanyang tungkulin na hubaran ng maskara ang mga may kaugnayan sa mga masamang gawain ng CPP-NPA-NDF.
Pagsasabi at paglalahad ng katotohanan ang nagawa ni Usec. Badoy sa kanila, sa kabila ng lahat ng pananakot, pangungutya at paglapastangan sa kanyang personal na buhay.
Tabaho lang ika nga. Wala sanang personalan, Dra. Castro. Ang trabaho ni Usec  Badoy ay isiwalat ang mga kabuktutan ng mga komunistang-teroristang sa CPP-NPA-NDF.
Ito ay ginagawa ni Usec. Badoy di para sa kanyang sarili, kundi para sa lahat ng mga Filipino na ang iba ay pineste ang mga buhay ng mga kamunistang-terorista.
Nais lamang ng opisyal na ito na mapalaya ang bansang Pilipinas sa mga kuko ng CPP-NPA-NDF na mahigit limang-dekada nang namemeste sa bayan.

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!