Watawat ng Pilipinas sa NAIA binaligtad; kelot kulong

Watawat ng Pilipinas sa NAIA binaligtad; kelot kulong

October 12, 2021 @ 9:03 AM 5 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Arestado ang 27-anyos na lalaki nang baligtarin ang watawat ng Pilipinas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Linggo.

Kinilala ang suspek na si Jay-ar Beril ng Bautista Compound, Purok 8 sa Alabang, Muntinlupa City.

Sa report ng NAIA police, nakita si Beril na ibinababa ang watawat sa flag pole ng NAIA Terminal 3 sa Pasay City.

Sinabi pa ng mga nakasaksi na sumayad sa lapag ang watawat at tsaka ito itinaas.

Dito ay binaligtad nito ang watawat kung saan pula ang nasa taas at asul ang nasa baba.

Nahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 8491 ( An Act Prescribing the Code of the National Flag, Anthem, Motto, Voat-of-Arms and other Heraldic Items and Devices of the Philippines and unjust vexation. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •