Watawat ng Russia at Belarus, bawal sa Australian Open

Watawat ng Russia at Belarus, bawal sa Australian Open

January 18, 2023 @ 5:08 PM 2 weeks ago


AUSTRALIA – Hindi pinayagan ang pagdisplay sa Australian Open tennis ng bandial  ng Russia at Belarus.

Ginawa ito ng organizers ng Australian Open matapos  magsumbong ang ambassador ng Ukraine ng makita ang bandila ang Russia at Belarus.

Ayon sa ulat, pinayagan lamang maglaro sa torneo ang Russian at Belarus tennis player basta gamit lamang nila ang neutral flags bilang independents.

Nagsimula ang nasabing ban mula ng lusubin ng Russia ang Ukraine.

Pumalag naman ang Russia sa ginawang  hakbang at tinawag nito na isang hindi katanggap-katanggap na pamumulitika sa sports.JC