Watawat pinantakip sa kotse; kelot kulong

Watawat pinantakip sa kotse; kelot kulong

March 1, 2023 @ 10:34 AM 3 weeks ago


ILOILO CITY- KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang lalaki matapos arestuhin ng mga awtoridad makaraan gamitin pantakip sa kanyang sasakyan ang watawat ng Pilipinas, iniulat kahapon sa lungsod na ito.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines ang suspek na kinilalang si Jared Serrano, 25-anyos, at residente ng  Mandurriao, Iloilo City.

Depensa ng suspek may inutusan siya para takpan ang kanyang kotse subalit hindi niya alam na bandila ang bansa ang ginamit nitong pangtakip.

Nakasaad sa ilalim ng Republic Act 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines, “that the flag must not be used as a “drapery, festoon, tablecloth, or as covering for ceilings, walls, statues, or other objects. Violators may be jailed or fined, according to the law.”/Mary Anne Sapico