Water level sa Marikina River umabot sa 18 metro!

Water level sa Marikina River umabot sa 18 metro!

September 26, 2022 @ 7:56 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Umabot ang lebel ng tubig sa Marikina River sa 18 metro bago mag-hatinggabi nitong Linggo, dahilan upang ikasa ng lokal na pamahalaan ang third alarm.

Dahil dito, ipinatupad ang forced evacuation ng mga residente malapit sa ilog.

Nauna nang inihayag ni Marikina mayor Marcelino Teodoro na ilang residente ang pinalikas bilang pag-iingat sa bagyong Karding.

Batay sa hiwalay na ulat, ipinag-utos ni Teodoro ang pagtatalaga ng karagdagang evacuation centers sa pagdami ng mga pamilya na inaasahang pansamantalang lilipat sa mas ligtas na lugar. RNT/SA