Water level sa Marikina River umakyat sa 14 metro

Water level sa Marikina River umakyat sa 14 metro

August 23, 2022 @ 5:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Binabantayan ng mga lokal na awtoridad ang Marikina River sa malakas na ulan dulot ng Severe Tropical Storm Florita ngayong Martes.

Hanggang nitong alas-2 ng hapon, ang water level sa ilog ay umabot na sa 14 metro.

Sa ilalim ng alarm system ng Marikina City, itataas ang unang alar kapag umabot na sa 15 metrp ang tubig. Nangangahulugan ito ng “warning”.

Itataas naman ang ikalawang alarm kapag umakyat sa 16 metro ang tubig, na nangangahulugang “prepare”.

Patutunugin naman ang ikatlong alarm kapag umabot sa 18 metro ang tubig. Ibig sabihin nito ay “evacuate”.

Batay sa PAGASA, mararanasan ang “moderate to heavy with at times intense rains” sa Metro Manila maging sa hilagang bahagi ng Aurora, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite, Rizal, at the natitirang bahagi ng Cagayan Valley. RNT/SA