Water service interruption mula Hulyo 6-31 inanunsyo ng Maynilad

Water service interruption mula Hulyo 6-31 inanunsyo ng Maynilad

July 6, 2022 @ 9:35 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Magpapatupad ang Maynilad Water Services Inc. ng mga pagkaantala sa serbisyo simula Hulyo 6 hanggang 31 dahil sa “raw water quality issue”, ayon sa abiso ng kompanya.

Ang mga customer sa West Zone, partikular sa Bacoor City, Imus City, Cavite City, Las Pinas City, Muntinlupa City, Noveleta, Paranaque City, at Rosario ay magdaranas ng mga problema sa supply ng tubig habang tinutugunan ng kumpanya ang quality issue.

“Humihingi kami ng paumanhin sa abala,” anang Maynilad sa advisory nito.

Hinimok ng Maynilad ang mga apektadong customer na mag-imbak ng tubig sa mga lalagyan tuwing may supply.

Hinikayat din nito ang mga mamimili nito na “let the water flow out briefly until it clears.”

Sinabi ng Maynilad na ang mga mobile water tanker nito ay umiikot sa mga apektadong lugar upang magbigay ng maiinom na tubig, habang ang mga stationary water tank ay naka-deploy din sa ilang mga lokasyon. RNT