WATER STRESS BA ANG PILIPINAS?

WATER STRESS BA ANG PILIPINAS?

February 17, 2023 @ 3:51 PM 1 month ago


SA pagtatapos ng buwan ng Pebrero ngayong 2023, inaasahan ang deklarasyon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng pagsisimula ng “Summer season” o “dry season” sa ating bansa.

Dala ng epekto nang magsisimula ng “El Nino phenomenon”, tinatayang mas mahaba at mas mainit na panahon ang ating mararanasan ngayong tag-init na ito.

Kaya ngayon pa lamang ay nagbibigay babala na ang National Water Resources Board (NWRB), bagamat mataas pa sa ngayon ang water level ng Angat dam na nasa 211.90 meters na siyang pangunahing pinagkukunan ng Metro Manila ng pangangailangan nito sa malinis na tubig, na maghanda o ika nga sa wikang English, “brace yourself”.

Alam n’yo ba na 16 years na pa lang nakararanas ng water stress ang National Capital Region at ang malaking bahagi ng bansa.

Batay sa depenisyon, ang water stress ay ang kakulangan sa malinis na tubig sa isang akmang panahon o pagkakataon.

Sa datos ng Council of Foreign Relations (CFR), nasa dalawang bilyong tao sa buong mundo ang nakararanas ng water stress kung saan ay 10% nang kasalukuyang populasyon ang walang access sa malinis na tubig o nasa 11 milyong katao.

Sinabi mismo ng NWRB na simula pa taong 2007 ay water stress na ang 33 highly urbanized cities (HUCs) ng bansa partikular ang lahat ng nasa Metro Manila gayundin ang mga lungsod ng Angeles, Bacolod, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, General Santos, Iligan, Iloilo, Lucena, Olongapo, Puerto Princesa, Tacloban, Zamboanga, at iba pa.

Ibig sabihin, bumababa na sa pagitan ng 1,000 m3 hanggang 1,700 m3 per capita per year ang nagagamit na malinis na tubig ng mga nabanggit nating HUC’s. Noong taong 1995, ang water availability sa bansa ay nasa 2,100 m3 per capita per year, at sa kasalukuyan ay nasa 1,300 m3) per capita per year na tayo.