Water supply sapat sa NCR, karatig lugar – NWRB

Water supply sapat sa NCR, karatig lugar – NWRB

January 29, 2022 @ 2:38 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Sapat ang suplay ng National Capital Region at karatig probinsya ngayong dry season, ayon sa National Water Resources Board (NWRB).

Base kay NWRB executive director Dr. Sevillo David Jr., nais nilang ma-sustain ang kasalukuyang water allocation sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Isa ’yung tubig sa importanteng measure para po makontra itong paglaganap [ng COVID-19] . . . Dahil po nitong pandemya, gusto natin i-maintain ’yung alokasyon at wala pong pagbabawas,” ani David sa public briefing.

Nakapagtatag na rin ang water concessionaires ng water treatment facilities sa Laguna Lake at Marikina River.

“Kumpara po noong 2019, mas handa po tayo. Andiyan ’yung mga deep wells . . . At ito pong water treatment facilities wala rin po noong 2019. Masasabi natin na ito pong mga . . . projects. . . ay makakatulong para mapangalagaan iton glimitadong supply sa Angat Dam,” dagdag pa ni David. RNT/FGDC