Water tankers ipinadala ng PH Red Cross sa ‘Odette’-hit Cebu

Water tankers ipinadala ng PH Red Cross sa ‘Odette’-hit Cebu

January 13, 2022 @ 5:20 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Sa patuloy na paghahatid ng malinis na inumin sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette, nagpapadala ang Philippine Red Cross (PRC), sa pangunguna ni Chairman and CEO Senator Richard Gordon, ng water tankers sa iba’t ibang komunidad sa Cebu.

“Every day, we continue to deploy our water tankers to disaster-affected communities to provide timely and efficient support,” pahayag ni Gordon nitong Miyerkules.

Muling nagpadala ang PRC Cebu Chapter ng isang tanker upang mamahagi ng 5000 kitro ng tubig sa Sitio Laray at Sitio Socorro, sa Kamputhaw, at Sitio Fatima at Brgy. Apas sa Cebu City.

Nakapagbigay na ang PRC Cebu Chapter ng 614,750 litro ng tubig hanggang nitong Miyerkules, habang nakapamahagi naman ang PRC Lapu-Lapu ng 65,000 litro ng tubig sa “Odette”-affected communities.

“One of the first responses we have in any dire situation is the provision of water. With PRC’s fleet of water tankers and water facilities, we are able to service several communities at once,” sabi ni Gordon. RNT/SA