Water valve sumabog, Sta. Mesa binaha

 Water valve sumabog, Sta. Mesa binaha

July 31, 2020 @ 4:44 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nawalan ng tubig ang mga residente ng ilang barangay sa Sta. Mesa matapos na sumabog ang water valve ng Maynilad kaninang umaga sa Sta. Mesa, Maynila.

Naperwisyo naman ang mga motorista dahil nagdulot din ito ng pagbaha sa lugar.

Hindi naman batid kung ano ang dahilan ng pagsabog ng water valve ng water concessionaire.

Ilang sasakyan na rin ang kinailangang itulak habang ang iba ay tumirik na dahil sa taas ng baha ng idinulot ng pagsabog ng water valve.

Dahil dito, pinayuhan ang mga motorista na gumamit na lamang ng ibang ruta upang hindi na maperwisyo pa.

Sa ngayon ay patuloy na inaayos ng water utility contractor ang nasabing problema.

Habang ang serbisyo ng Maynilad sa mga lugar na apektado ay ibabalik sa oras na maresolba na ang isyu. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...