WATERSHED CONSERVATION CAMPAIGN MAS PINALAWAK NI CIMATU

WATERSHED CONSERVATION CAMPAIGN MAS PINALAWAK NI CIMATU

July 12, 2021 @ 2:24 PM 1 year ago


HABANG patuloy sa paglaban sa banta ng climate change na kinahaharap ng watershed areas ng bansa, inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nationwide campaign upang palawakin ang watershed conservation and protection efforts katuwang ang grassroots communities.

     Ayon kay DENR Secretary Roy A. Cimatu, ang kampanya na tinawag na Save Our Watershed (SOW) ay magsisilbing plataporma upang hikayatin ang partnership at pakikipagtulungan mula sa national hanggang sa grassroots level.

     “We hope that the spirit of the ‘Save Our Watershed’ ripples through to all our DENR regional offices, foreign-assisted projects, and local government units with initiatives on watershed conservation,” saad ni Cimatu.

     Idinagdag pa nito na layunin din ng kampanya na hikayatin  na magkaroon ng local ordinances para lalong ma-promote ang conservation at protection ng watersheds.

     “There are more than 130 critical watersheds in the country that desperately need immediate protection and rehabilitation to minimize erosion and improve water yield,” sabi ni Cimatu.

     “For us to mitigate the adverse impacts of climate change-induced disasters, people’s support to government actions, therefore, is still the key,” pahayag pa ni Cimatu.

     Para sa national level, hangad ng kampanya na makagawa ng draft executive order (EO) na magsisilbing blueprint para sa magkaugnay at magkaparehong pagkilos para maprotektahan, mapangalagaan at mapanatili ang serbisyong naibibigay ng watersheds sa bansa tulad ng water supply para sa irrigation, domestic use, power generation at biodiversity.

     Ayon pa kay Cimatu, ang pinakaimportanteng elemento ng watersheds ay ang puno, ipinunto pa nito na hindi matatawag na watershed ang isang lugar kung walang mga puno.

     Umaasa naman si DENR Assistant Secretary at concurrent Forest Management Bureau Director Marcial Amaro na matatapos nila ang draft EO bago matapos ang taon o sa fourth quarter para maisumite sa Office of the President.

     Sinabi pa ni Amaro na ang mga stakeholders, kabilang ang national at local authorities, local government units, at coastal communities ay kukunsultahin para sa draft EO alinsunod sa polisiya ng DENR sa pagsunod sa “reef-to-ridge approach” para sa watershed conservation.