Wawa Dam bilang tourist destination umusad na sa Kamara

Wawa Dam bilang tourist destination umusad na sa Kamara

September 2, 2022 @ 1:56 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni Rizal Rep Fidel Nograles na aprubado na sa House Committee on Tourism ang panukalang pagdedelarkara sa Wawa Dam sa Montalban Rizal bilang isang tourist destination.

Ayon kay Nograles, may akda ng House Bill No 2962 o Development of Wawa Act Dam na mahalaga na gawing tourist destination ang Wawa Dam dahil bukod sa mapepreserba ang lugar ay malaking economic opportunity din ito sa mga residente.

Sinabi ni Nograles na sa ilalim ng panukala ay bibigyan ng mandato ang Department of Tourism, Department of Public Works and Highways, Department of Environment and Natural Resources, Department of Interior and Local Government at local government units na nakakasakop ng lugar ng bumalangkas ng isang development plan para sa Wawa Dam.

“The comprehensive development plan involves the construction, installation, and maintenance of applicable facilities and infrastructure that would enhance, develop, and promote tourism in the area as well as improve accessibility and security of tourists,” paliwanag ni Nograles.

Ang DoT ang syang magpapatupad ng development plan at titiyakin magiging maayos ang programa.

Sinabi ni Nograles na umaasa syang mabilis nang uusad sa Kamara ang panukala ngayong lusot na ito sa committee level, aniya, sa oras na maisabatas ang panukala ay matitiyak nang mapapangalagaan ang lugar para sa susunud na henerasyon.

Ang Wawa dam na isang man-made dam sa Sierra Madre mountain range sa Montalban ay itinayo noong 1909, kinikilala ng National Museum bilang isang Important Cultural Property dahil na rin sa kanyang disenyo, istraktura at historical significance noong World War 2.

Kalimitan itong dinarayo ng mga hikers, bikers at adventurers dahil malapit ito sa Mt. Pamitinan at Mt. Binacayan, dinarayo din ito ng mga turista para sa swimming, picnics, sightseeing, boating at photography. Gail Mendoza