Weather forecast, early warning system pagbubutihin pa ng PAGASA

Weather forecast, early warning system pagbubutihin pa ng PAGASA

November 2, 2022 @ 3:40 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Sisikapin pa ng PAGASA na mapabuti ang lagay ng pagtaya ng panahon at early warning system sa bansa.

Ito ay dahil ang Pilipinas ay may mataas na bansa sa iba’t ibang uri ng kalamidad tulad ng lindol at bagyo.

Ayon kay Dr. Esperanza Cayanan, ang deputy administrator for research and development ng ahensya, pinag-aaralan na umano nila ang impact-based forecasting at warning services sa Metro Manila at Metro Cebu.

Sa pamamagitan nito ay matutukoy pa ang epekto ng isang weather-related hazards at mapababa ang epekto nito.

“I think we really need to move fast on this because of what we are experiencing right now,” pagbabahagi ni Cayanan sa panayam ng ANC.

“I believe this is one of the improvements that we really need to implement as soon as possible,” dagdag niya.

Sa nagdaan naman na bagyong Paeng, aminado ang PAGASA na dapat pa nilang pagbutihan ang paglalagay ng detalye sa posibleng epekto ng isang bagyo.

“Maybe we need to highlight the impacts rather than the description of the rainfall,” aniya.

May malaking puwang din umano sa koordinasyon ng mga lokal na pamahalaan.

Sinisikap na rin ng PAGASA na gumawa ng early flood warning systems sa iba’t ibang bahagi ng bansa at maglalabas ng heavy rainfall warning tuwing 3 oras.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 102 automatic weather stations, 28 lightning detection systems at 36 high-frequency radars sa mga coastal areas ang ahensya.

“We have proposed for this year around 200 plus. But basically, overall for the modernization, more or less 500 to 600 positions,” dagdag naman ni Cayanan sa usapin ng understaffing. RNT/JGC