Webb telescope naka-deploy na sa kalawakan

Webb telescope naka-deploy na sa kalawakan

January 9, 2022 @ 2:27 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakumpleto na ng James Webb Space Telescope ang dalawang linggong deployment phase nito noong Sabado, sa paghahanda nito sa pag-aaral sa bawat yugto ng cosmic history.

“The final wing is now deployed,” anunsyo ng NASA sa Twitter, at sinabing naghahanda na ang team “to latch the wing into place, a multi-hour process.”

Dahil masyadong malaki ang telescope para kumasya sa nose cone ng rocket, sa operational configuration nito,ipinadala ito nang nakatiklop. Ang pagbuka nito ay isang kumplikadong gawain, ayon sa NASA.

Itinuturing ang Webb na pinakamakapangyarihang space telescope na ipinadala sa kalawakan sa pamamagitan ng Ariane 5 rocket mula sa French Guiana noong Disyembre 25, at patungo sa orbital point nito, 1.5 milyong kilometro mula sa Earth.

Dahil sa infrared technology nito, makikita ang unang mga bituin at galaxy na nabuo 3.5 bilyong taon na ang nakalilipas, na magbibigay sa astronomers ng bagong pananaw sa pagsisimula ng kalawakan.

“Before we celebrate, we’ve still got work to do,” giit ng NASA. “When the final latch is secure, NASA Webb will be fully unfolded in space.” RNT/SA