Website para sa SONA inilunsad ng Kamara

Website para sa SONA inilunsad ng Kamara

July 14, 2021 @ 9:49 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Isang solong website para sa magaganap na State of the Nation Address (SONA) ang inilunsad ng House of Representatives.

Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, ang bagong website ay naglalaman ng mga latest news at updates ng mga SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte, gayundin ang mga legislative accomplishments ng administrasyon.

“President Duterte has actually accomplished a lot in the past five years he was in office, and this website will bear all those achievements,” ani Velasco.

Ang microsite na makikita sa official webpage ng House of Representatives at  congress.gov.ph/sona2021.

Bukod sa mga accomplishment ni Pangulong Duterte ay ilalagay din sa website ang Legislative Performance Report ng Kamara at piling speeches ng mga mambabatas sa 18th Congress.

Makikita din sa nasabing website ang half-minute videos na inihanda ng mga mambabatas bolang tribute, may pamagat itong “Sa Lahat ng Pagbabago, Salamat Pangulo!” (A Pre-SONA Tribute by the 18th Congress). Gail Mendoza