Weekly COVID growth rate ng NCR nananatili sa -20% –OCTA

Weekly COVID growth rate ng NCR nananatili sa -20% –OCTA

January 22, 2022 @ 8:52 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Nanatili sa -20% ang weekly COVID-19 growth rate ng Metro Manila makaraang maitala ang 9,455 bagong COVID-19 infections noong Enero 20, ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David.

Sa Twitter post, sinabi ni David na ang COVID-19 average daily attack rate (ADAR) sa NCR ay bumaba na sa 93.82% mula sa 111.47%.

Tinutukoy sa ADAR ang average number ang bagong kaso sa bawat 100,000 katao.

Samantala, naitala naman ang ‘very high’ na ADAR sa Kalinga (43.98%) at Mountain Province (32.95%) habang ‘high’ sa Ifugao (22.56%), at ‘moderate’ sa Northern Samar (7.02%).

Naunang sinabi ni David na ang bagong kaso sa labas ng NCR Plus ay tumaas na sa 200% sa loob ng walong araw. RNT/FGDC