Weighlifter Guion swak sa Paralympics

Weighlifter Guion swak sa Paralympics

July 15, 2021 @ 11:58 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Pasok na si paralympian powerlifter Achelle Guion sa Paralympics na gaganapin sa Tokyo.

Si Guion ang pang-anim na paralympian na kakatatawan sa bansa sa  Tokyo Paralympics.

Matatandaang si Guion, veteran para-powerlifter, ay naging bahagi ng 2012 London Paralympics na nalagay sa pang-anim na pwesto sa competition.

Sa 2014 Asian Para Games sa Incheon, nagwagi ito ng silver medal sa women’s 45kg event matapos buhatin ang 70 kilograms. Nakakuha rin ito ng silver medal sa 2018 Asian Para Games sa Jakarta, Indonesia, matapos sumabak sa 45kg division.

Kinumpirma ni Francis Diaz, Chef de Mission ng Team Para Philippines sa 2020+1 Tokyo Paralympics, ang pagpasok ni Guion at sinabing nalampasan na nila ang record na 5 Paralympians na pinadala noon sa 2016 Rio Olympics kung saan nagwagi si Josephine Medina ng bronze sa Para Table Tennis.

Agad namang ipinahayag ni Philippine Sports Commission National Training Director Marc Velasco ang buong suporta ng ahensiya sa anim na Paralympians at sinabing “we all hope to see them all proudly waving the flag in medal finishes.”

Makakasama ni Guion sina Paralympic returnees Ernie Gawilan (para-swimming) at Jerrold Mangliwan (para-athletics) at sina Allain Ganapin (para-taekwondo), Jeanette Aceveda (para-athletics), at Gary Bejino (para-swimming). Sila ang bubuo sa 6-man team ng Philippines para sa Paralympics.Rico Navarro