Weightlifter Sarno 5th place sa World

Weightlifter Sarno 5th place sa World

December 14, 2021 @ 12:32 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Bigo ang batang Pinay weightlifter na makatuntong sa podium sa women’s 71 kg division sa 2021 World Weightlifting Championships na ginanap sa Tashkent, Uzbekistan.

Tinuturing na papalit sa pwesto ni Olympiuc champion Hidilyn Diaz, ang 18-year-old ay nagtapos na pang-lima sa lumahok na 27 lifters matapos mabuhat ang pinagsamang bigat na 231 kg.

Tabla si Sarno kay Sweden’s Patricia Strenius at American Olivia Reeves, pero natapos ng una ang Pinay via tiebreak.

Nakumpleto ni Sarno ang lahat ng kanyang tatlong buhat sa snatch, at ang huli ay may bigat na 103 kilogram na nagdala sa kanya sa 5th place patungo sa clean and jerk.

Matagumpay nitong nabuhat ang bigat na 128 kg sa kanyang unang attempt, pero bigo ng dalawang beses nang subukan nitong iangat ang bigat bigat 131 kg.

Samantala, nabuhat ni Strenius ang 104 kg sa kanyang third attempt sa snatch, at 127 kg sa kanyang second attempt sa clean and jerk.

Naiangat ni  Reeves ang 104 kg sa kanyang second attempt sa snatch, at 127 kg sa kanyang second attempt sa clean and jerk.

Nakuha ni Strenius ang third place maging ang bronze sa snatch habang si  Reeves ay nalagay sa silver para sa snatch.

Isa pang American na si Meredith Alwine ang nagwagi ng gold matapos buhatin ang bigat na 235 kg. Binuhat nito ang 100 kg sa snatch, sapat para sa 10th place, pero nakumpleto nito ang pagbuhat sa 135 kg sa clean and jerk.

Silver naman si Sarah Davies ng Britain matapos mabuhat ang234 kg — 102 kg sa snatch at 132 kg sa clean and jerk.

Nalagay naman si Southeast Asian Games champion Kristel Macrohon sa seventh overall sa kabuuang 228 kg (103 kg snatch, 125 kg clean and jerk).Rico Navarro