Welder, patay sa kuryente

Welder, patay sa kuryente

June 30, 2018 @ 5:48 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center ang isang 23 anyos na welder , matapos mahulog at makuryente sa dagat , kaninang tanghali sa Manila Harbour Center,Tondo,Manila.

Nakilala ang biktimang si Jomar Tadra, binata ng Blk. 31 Lot 12 Northville, Bignay Valenzuela City, habang ang labi nito’y isinailalim sa awtopsiya.

Base sa ulat na isinumiti ni Det. Jorlan Taluban, kay P/Sr.Insp. Rommel Anicete hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 11:05 ng tanghali , nang maganap ang insidente sakop ng Miguel De Legaspi Road sa Manila Harbour Center.

Sa imbestigasyong isinagawa ng pulisya, habang nag we welding si Tadra , sa gilid ng dagat nang lumipat ito malapit sa kanyang ginagawa bitbit ang kanyangmga gamit , nang mawalan umano ito ng panimbang at mahulog sa tubig.

Dahil sa malakas na boltahe ng kuryente, nagkikisay ito na nakatawag ng pansin sa iba nitong kasamahan,kaya dali daling pinatay ang kuryente saka iniahon sa tubig ang biktima at mabilis na isinugod sa nasabing pagamutan.

Habang inoobserbahan sa ospital, dakong 12:05 ng tanghali nang ideklarang patay ang biktima. (Rene Crisostomo)