Welder todas, 1 kritikal sa gulpi, saksak ng 3 obrero sa Bulacan

Welder todas, 1 kritikal sa gulpi, saksak ng 3 obrero sa Bulacan

September 19, 2020 @ 1:36 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Bulacan – Todas ang isang welder habang kritikal ang kasama niyang bibili lang sana ng yosi matapos silang kuyugin at pagsasakin ng tatlong construction worker sa Marilao, Bulacan kagabi.

Naaresto naman ang mga suspek na sina Jhanlyn Albano Clacio, 29, John Mark Albano Clacio, 21 at Den Den Albano Clacio, 28, pawang stay in sa Sterling, Brgy. Patubig, Marilao.

Namatay ang welder na si Dave Panday Minong, 21, habang sugatan si Edwin Butil Aboniro, 42, kapwa stay-in din sa nabanggit na lugar.

Sa report, nangyari ang pananaksak ng mga suspek sa mga biktima, bandang 10:45 ng gabi sa naturang lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad sina Minong at Aboniro para bumuli ng yosi nang biglang pagtulungan bugbugin at pagsasakin ng mga suspek.

Mabilis na isinugod ng mga kasamahan ang dalawa sa St. Michael Hospital para sa paunang lunas dahil sa gulping inabot at mga saksak sa katawan.

Inilipat naman si Aboniro sa Sta. Maria Hospital para sa patuloy na gamutan habang binawian ng buhay si Minong na masyadong nagulpi at napuruhan ng saksak.

Nahaharap sa kasong murder at frustrated murder ang mga suspek habang nakapiit sa naturang himpilan. Dick Mirasol III


  •  
  •  
  •  

Loading...