WELFARE PORTFOLIO TAILOR-FIT KAY SEC. ERWIN TULFO

WELFARE PORTFOLIO TAILOR-FIT KAY SEC. ERWIN TULFO

July 12, 2022 @ 5:44 PM 4 weeks ago


MAY mga nagtaas ng kilay, nagprotesta at hindi pumabor sa pagkakatalaga ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. kay broadcaster Erwin Tulfo bilang kalihim ng Department of Social Service and Deve­lopment.

Dahil kilalang hard-hitting journalist si Sec. Erwin, hindi maikakai­lang marami ang nabubuwisit sa kanya, lalo na                     yaong mga nasagasaan niya sa pagtupadng kanyang trabaho bilang mediaman.

Isama mo pa ang mga indibidwal o grupo na nakanti ng kanyang kapwa hard-hitting journalist-brothers – Mon, Raffy at Ben Tulfo, aba’y tiyak na sila’y kabilang sa mga umaayaw sa appointment ni Sec. Erwin.

Pero sa ganang akin, ilan  lang  ang tutol sa designation ng bunsong Tulfo, mas marami ang natutuwa sa pagkakakuha kay Sec. Erwin bilang top man ng DSWD.

Sa mga kilala si Sec. Erwin na tulad ko, ang pagpili sa kanya ni PBBM ay maituturing na ‘right choice’ para sa po-sisyon.  Tailor-fit si Sec. Erwin sa bagong trabaho dahil ka-    akibat ng kanyang pagiging journalist ay ang matagal na ni-yang ginagawang walang patid na serbisyo-publiko sa mga lumalapit na nangangailangan ng tulong o suporta na karamihan at mahihirap at api sa lipunan.

Si Sec. Erwin ay kilalang matapang sa pagbubunyag at pakikipaglaban sa mga taong gumagawa ng mali kahit pa opis­yal ng pamahalaan o kasing-yaman ni Elon Musk o Jeff                        Besos, siya’y walang inuurungan.

Sa pagharap sa mga tiwaling nagpapasasa sa pondo ng DSWD, sasabihin ko uli – si Sec. Erwin ay tailor-fit sa ipinagkatiwala sa kanya ni PBBM  dahil hindi ito mangingiming lansagin ang sindikato sa departamento.

Nong Hulyo 1,  panimula ng kanyang pagiging DSWD head, nagbabala na si Sec. Erwin sa mga ungas sa departamento na huminto na sa masamang gawain dahil ika niya’y “you’re days are numbered”.

Ang 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) ay kanyang bubusisiin dahil sa mga ulat na hindi nasusunod ang purpose ng projektong ito dahil imbes na mahihirap, pawang may-kaya o mayayaman ang benepisaryo nito.

Knowing Sec. Erwin, naniniwala tayong gagampanan niya nang husto ang bago at challenging na trabaho “with flying colors”.