Wesley So ganap ng US citizen

Wesley So ganap ng US citizen

March 5, 2021 @ 12:14 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines — Opisyal ng naging US citizen si Filipino-born chess champion at Super Grandmaster Wesley So, ayon sa US Chess Federation.

Dahil dito, hindi na pwedeng maglaro si So sa ilalim ng bandila ng Pilipinas sa larangan ng chess.

Isiniwalat ng US Chess Federation, naging US citizen si So noong Pebrero 26.

Ipinanganak si So sa Bacoor, Cavite bago pumunta sa US noong 2012 nang madismaya sa pulitika sa Philippine Sports.

Naging three-time Philippine Champion at ngayo’y world No. 9 at kasalukuyang US Chess Champion ipinakita ni So kung bakit dapat siyang maging isang US citizen.

“I want to give back to a country that has been so good to me. From the moment I landed here I was encouraged and enabled to become better than I was,” ani So sa interview sa kanya ng US Citizenship and Immigration Services sa ginanap na seremonya.

“That doesn’t mean I don’t love the Philippines. I have good memories from there. But I did not have the connections needed to succeed in that culture,” wika nito.

Nitong Pebrero ay tinalo ng 27-year-old si world No. 1 Magnus Carlsen sa Opera Euro Rapid chess championship. Rico Navarro


  •  
  •  
  •