Westbrook mananatili sa Lakers

Westbrook mananatili sa Lakers

September 7, 2022 @ 11:46 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Mananatili sa starting lineup ng Los Angeles Lakers ang kontrobersiyal na si NBA star Russel Westbrook dahil hindi matuloy tuloy ang planong trade sa manlalaro.

Ayon sa ulat, kasali pa rin si Westbrook sa traditional pre-season minicamp ni LeBron James.

Matatandaang pinipilit ng Lakers na hanapan si WestBrook ng paraan para maitrade sa ibang koponan pero bigo ang lahat ng pagtatangka.

Base sa ulat, nahirapan na makakuha ng deal ang Lakers dahil mabigat ang kapalit na hinihingi para kay WestBrook.

Pero sa pagpasok ng bagong coach ng Lakers, minabuti umanong mabigyan pa rin ng papel si Westbrook sa starting line-up sa pagpasok sa bagong NBA season na magsisimula na sa kalagitnaan ng buwan ng Oktubre.

Si Westbrook ay nine-time NBA All-Star at dating NBA Most Valuable Player.JC