WFH sa mga PEZA-registered IT firms extended hanggang Disyembre

WFH sa mga PEZA-registered IT firms extended hanggang Disyembre

September 15, 2022 @ 6:38 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinalawig hanggang Disyembre 2022 ang hybrid work arrangement o work from home sa mga IT at BPM companies na nakarehistro sa Economic Zone Authority (PEZA).

Ito ang sinabi ni Finance Undersecretary Antonette Tionko makaraang magpulong ang Fiscal Incentives Review Board nitong Lunes, Setyembre 14 at inaprubahan ang pagpapalawig ng work-from-home arrangements.

Ang isa sa mga dahilan nito ay ang pagpapalawig rin ng state of calamity sa bansa dahil sa COVID-19.

“What was agreed upon first by the FIRB was that the work-from-home arrangement, because of the extension of the declaration of state of calamity moved to December, it’s also moved to December,” pahayag ni Tionko sa pagdinig ng Senado.

Matatandaan na matagal nang hinihimok ang IT at BPM industry na magbalik opisina na dahil sa lumuluwag na rin na COVID-19 restrictions sa bansa. RNT/JGC