Anti-drug abuse council ng Muntinlupa, kinilala ng DILG

February 7, 2023 @12:30 PM
Views: 4
MANILA, Philippines – Kinilala ng Department of the Interior and Local Government-National Capital Region (DILG-NCR) ang lungsod ng Muntinlupa sa isinagawang 2022 Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Audit Awards kamakailan.
Si Muntinlupa City Vice Mayor Artemio Simundac ang tumanggap ng certificate of recognition na ipinagkaloob ng DILG-NCR na iprinisenta naman nito kay Mayor Ruffy Biazon dahil sa pagkakatala ng lungsod ng mataas na 85 puntos sa 2021 Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Unit.
Kasabay sa pag-abot ng certificate of recognition ni Simundac kay Biazon ay tinanggap din ng alkalde ang tseke na nagkakahalaga ng P7 milyon bilang Seal of Good Local Governance (SGLG) Incentive Fund Subsidy.
Bukod kay Simundac, pinagnunahan nina DILG Secretary Benjamin Abalos, Jr. at DILG-NCR Regional Director Ma. Lourdes Austin ang naturang okasyon na dinaluhan din nina Muntinlupa Drug Abuse Prevention & Control Office (DAPCO) head Col. Florocito Ragudo at ni JC Fadrilan na siyang nagrepresenta naman para kay DILG-Muntinlupa Director Gloria Aguhar.
“To all my colleagues in the Muntinlupa Anti-Drug Abuse Council, Muntinlupa City Peace and Order Council and those in the Muntinlupa City government, congratulations for the continued implementation of programs for the security in our city as well as guiding every Muntinlupeño against illegal drugs,” ani Simundac.
Naghayag din ng pasasalamat si DILG Undersecretary for Local Government Marlo Iringan sa 17 local government units (LGUs) sa National Capital Region (NCR) dahil sa suporta at pagsisikap ng bawat lungsod upang matigil ang pamamayagpag ng ilegal na droga sa buong Metro Manila. James I. Catapusan
Carlos Yulo, pinarangalan sa Senado

February 7, 2023 @12:15 PM
Views: 9
MANILA, Philippines – Pinagtibay ng Senado ang ilang panukalang resolusyon na nagbigay parangalan at pagkilalal kay Carlos Edriel Poquiz Yulo bilang isa sa pinakamalaking na gymnast ng Pilipinas na nagbigay ng karangalan sa bansa nang pagwagian nito ang ilang international gymnastics competitions.
Pinagtibay ng Senado ang Senate Resolution No. (SRN) 458 na inihain ni Senate President Juan Miguel “Migz” F. Zubiri kasama ang SRNs 23, 248, 276 ni Sen. Manuel “Lito” Lapid; SRN 269 ni Majority Leader Joel Villanueva; SRN 273 ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.; SRN 281 ni Sen. Cynthia Villar at SRN 292 ni Zubiri.
“Gymnast Carlos Yulo continues to bring pride and glory to the Philippines as he reaps medals from various sporting competitions, planting Philippine flags as he takes the world by storm,” ayon sa resolusyon.
Ayon kay Zubiri, itinaas ni Yulo ang bandila ng Pilipinas bilang kauna-unahang Filipino na magwagi ng bronze medal sa 2018 World Artistic Gymnastics Champions.
“ Yulo is also the first Filipino gymnast na nagwagi ng gold medal sa Men’s Floor Exercise event sa 2019 World Artistic Gymnastics Championship, na siya ang kauna-unahang Southeast Asian male world champion,” giit pa ng lider ng Senado.
Nitong 2019 Southeast Asian Games, nagdala si Yulo ng dalawang ginto at limang silver medals para sa Pilipinas at nagwagi din ng ginto sa Men’s Vault category sa 2019 World Artistic Gymnastics Championships.
Bukod dito, nagwagi din si Yulo ng limang gintong medalya sa 2022 Southeast Asian Games, Yulo na ikinokonsiderang kauna-unahang sa lahat ng atletang Filipino. Nakopo din niyaa ng gold, silver at bronze medals sa iba’t-ibang kategorya sa 55th Annual all-Japan Seniors Championships at isang silver medal sa Men’s Vault event at bronze medal sa Men’s Parallel Bars event noong 2022 World Gymnastics Championships sa Liverpool, United Kingdom.
“Carlos Yulo’s triumph in the global arena has brought pride, glory and inspiration to the Filipino people and has repeatedly proven to the world the persistent and indomitable spirit of the Filipino, for which he deserves to be honored and commended,” ayon kay Zubiri.
Pinuri naman ni Villanueva si Yulo bilang pinakabatang gymnast kaya’t nararapat na bigyan ng buong suporta, papuri at pagkilala ng buong bansa.
“He is an inspiration to all of us, especially to millions of young aspiring athletes. He has time and again made the country proud for his world-class talent, determination and unwavering commitment to excellence as shown in his impressive performance in these competitions,” ayon kay Villanueva.
Pinuri din nina Senador Jinggoy Ejercito Estrada, Robin Padilla, Pia Cayetano, Ronaldo “Bato’ Dela Rosa, Christopher Lawrence “Bong” Go at Revilla Jr, si Yulo sa ginanap na sesyon.
Ginawang co-authors sa lahat ng miyembro ng Senado sa pagtitibay ng SRN 458. Ernie Reyes
Dela Rosa nababahala sa bagong EDCA sites

February 7, 2023 @12:02 PM
Views: 9
MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pagkabahala si Senador Ronald “Bato” dela Rosa nitong Lunes, Pebrero 6 sa pagtatalaga ng Pilipinas at Estados Unidos ng karagdagang apat pang lugar para sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Sa panayam, ipinaliwanag ni Dela Rosa na bagama’t makatutulong ang EDCA sa panggigipit ng ibang bansa, hindi umano sinusunod ng ibang mga Amerikano ang batas sa bansa.
“Bubusisiin natin ‘yan. ‘Di natin basta-basta, we just accept that hook, line, and sinker. Sabi ko nga fifty-fifty ako dyan – 50 percent sumang-ayon dahil nga nakikita ko na that would form as deterrence against bullying coming from our neighbors. Maganda po yan. Nakikita nila na nandito yung Amerika ready to help filipinos when push comes to shove,” aniya.
“On the other hand, meron akong konting alinlangan d’yan pagdating sa ating sovereignty. Dahil pinapaalis nga sila dito noon, nasa teritoryo natin sila but parang hindi nila nirerespeto ang ating batas, ang ating soberanya. Ang sabi ko pag andito sila sa ating teritoryo, they should follow our rules, follow our law,” dagdag pa ng senador.
“Sumunod sila sa ating batas. ‘Di ‘yung may sarili silang republic within our own republic.”
Inihalimbawa niya ang kaso ni Lance Corporal Daniel Smith na umalis sa bansa noong 2009 makaraang ipawalang-sala ito ng Court of Appeals sa kasong rape, kabaliktaran ng desisyon ng Makati Regional Trial Court noong 2006.
“Pag meron silang sundalo na nang-abuso, nang-rape o pumatay, dapat they should be subjected to our laws. Di pupwedeng kukunin na lang nila, iuuwi sa Amerika dahil sa kanilang citizen yon at meron silang exemption or whatever ang alibi nila. Di pupwede yon. Mananagot sila kapag gumawa sila ng krimen dito sa ating bansa,” ani Dela Rosa.
Sinabi pa niya, dapat na kausaping mabuti ng Department of National Defense ang mga senador patungkol sa mga bagong EDCA sites.
“Yes, para ma-convince kami na ‘di kami hahadlang dyan sa EDCA na yan. We should be briefed accordingly,” ani Dela Rosa.
Mayroong limang kasalukuyang lokasyon ang EDCA, ito ang mga sumusunod:
Antonio Bautista Air Base sa Palawan, Basa Air Base sa Pampanga, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Mactan-Benito Ebuen Air Base sa Cebu, at Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro City. RNT/JGC
Galvez may paglilinaw sa sinabing ‘ROTC gamot sa mental problem’

February 7, 2023 @11:49 AM
Views: 14
MANILA, Philippines – Naglabas ng paglilinaw si Defense Secretary Carlito Galvez Jr. sa nauna nitong pahayag na makagagamot sa mental health issues ang Reserve Officer Training Corps (ROTC).
Ito ay makaraang makatanggap ito ng samu’t saring batikos hindi lamang sa mga netizens kundi maging sa mga propesyonal sa larangan ng psychology.
“We have learned of the sensitivities raised by our mental health practitioners and advocates on what they believe is the improper use at the Senate hearing on Monday, February 6, of the word ‘cure’ for mental health issues,” pahayag ni Galvez nitong Lunes ng gabi, Pebrero 6.
“We fully understand and appreciate their concerns, as mental health is an issue that affects the broadest spectrum of society. We would therefore like to address certain misconceptions which have surfaced and clarify our agency’s position regarding this matter,” dagdag pa niya.
Nilinaw ni Galvez na ang ibig niyang sabihin patungkol sa ROTC program ay ang pagpapalakas nito at pagbibigay ng resilience sa mga kabataan, na pinaniniwalaan niyang may positibong epekto sa mental health ng mga ito.
“What we intended to convey during the hearing was that through our enhanced ROTC Program, we would be able to build the strength of character and resilience of our trainees, qualities which positively foster mental health,” aniya.
“Further, as a policy and program of the national government, the ROTC Program aims to develop among the trainees the basic psychosocial support competencies that are crucial in responding to stressful situations and contexts,” dagdag ni Galvez.
Iginiit din niya na nais ng DND na ang bubuoin na ROTC program ay naidisenyo upang magpalakas sa resilience, self-leadership, character-building, at disiplina ng mga estudyante.
“We believe these are virtues that our trainees must cultivate not only for their personal growth and development as individuals, but more importantly, enable them to play a key role in building a just, humane and democratic society,” sinabi pa niya. RNT/JGC
8K trabaho lilikhain sa Japan visit ni PBBM

February 7, 2023 @11:36 AM
Views: 20