Whamos, tatay na; ayaw maging kamukha ang anak!

Whamos, tatay na; ayaw maging kamukha ang anak!

June 22, 2022 @ 9:12 AM 3 days ago


Manila, Philippines -Nabulaga ang netizens sa balitang magkaka-anak na ang social media personality na si Whamos Cruz at girlfriend nitong si Antonette Gail.

Makikita mismo ang video sa YouTube channel ng couple na kung tawagin ay WhamoNette!

Mapapanood na bibong-bibo ang pagsayaw ni Cruz habang sine-celebrate ang pagbubuntis ng kasintahan.

Pero hindi mawawala ang mga kaliwa’t-kanang pang-aalipusta kay Whamos, lalo’t marami talaga ang tutol sa relasyon ng dalawa dahil na rin sa minor pa noon si Antonette nang maging sila.

Idagdag pa ang hindi anila sila bagay. Kaya naman tanong ng netizens kay Whamos, “Lods, gusto mo ba maging kamukha ka ng anak mo?”

Sinegundahan pa ni Christian Gaza, “Jusko, huwag naman sana niyang maging kamukha ang bata, in Jesus’ name.”

Pero sa halip na mapikon, sagot ni Whamos, “Ayaw ko rin talaga makamukha baby ko.”

Ginawa itong katuwaan ng netizens pero marami ang nagtanggol kay Whamos this time. Ayon sa comments, wala ‘yan sa itsura, nasa pagiging mabuting ama!

True! Also, beauty is in the eye of the beholder!

Congrats, Whamos at Antonette!

Mas nakilala si Whamos sa social media matapos bansagan ng netizens na mukhang lamok. Ginawan pa nga ito ng kanta ng singer/songwriter na si Al Sean. Paula Jonabelle Ignacio